NG : Malikhaing Makata
Marahil ang pinaka magandang regalo ng Panginoon ay
ang buhay ng isang tao. Buhay na dapat ingatan at alagaan. Pero paano kung
bigla itong mawala at bumalik upang maghiganti dahil sa isang nakaraan na
pangyayari? Handa kabang harapin at at itoy labanan?, At dito nagsisimula ng
makapanindig balahibong kwento na makakapagpa-antig sa inyong puso.
“Papa bili ka ng bagong dress yong cute ako”
nahinto ang aking pagmumuni sa isang sulok ng biglang lumapit ang aking
nagiisang anak. Ang naging pinakamagandang regalo ng Panginoon sa akin dahil
hindi ko inaakala na ako ay magiging ama. “papa sige
na yong kulay as—“hindi ko na sya pinatapos at
agad ko syang kinarga at ningitian ng ubod tamis waring sumasang aayon
sa kanyang hiling.
“Papa please” wika ng aking anak at dahil sa kacute
tan ng anak ko hindi na ako ng alinlangan na kilitin sya.
“Honey anong nangyayari dyan” biglang wika ng aking
pinakamagandang kabiyak. Sya si Fe ang aking
asawa. “Mama si papa po oh kinikiliti ako, mama sama ka sa amin”sabi ng
aking anak at mabilis namang lumapit si Fe sa amin at nakisali. Ako si
Robin de los Santos at ito ang aking
kwento .Ganito kami kahit simple lang ang pamumuhay, napakasaya parin ng aking
pamilya at sadyang mahal na mahal ko ang
aking mag ina. Ngunit randam kong may kakaiba, alam kong may mali at yon ang
aking iniwasan na maramdaman. Dahil nitong nakaraang mga araw, may presensyang
ligaw akong naramdadam na para bang ako’y hinahaplos-haplos ng hangin at may bumubulong kaya’t balahibo
ko’y tumitindig. May isa pang pagkakataon
na akoy’ nanaginip na ako at ang aking mag ina ay magkasama sa baybayin
napakasaya ko sa oras na iyon ngunit bigla silang nawala at nakita ko na lang
sila na nakahandusay sa sementeryo na duguan at may isang babaeng pamilyar na
biglang nagpakita at nanlilisik ang mata
para bang isang totoo. Mabuti na lang ginising ako ni Fe at don nya
tinanong kung ano ang aking napaginipan dahil narinig nyang sumisigaw at nakita
nyang umiiyak ako. Ngunit hindi ko nalang sinabi ang aking napaginipan kay Fe
dahil ayaw kong mag alala pa sya. Nagpasalamat nalang ako sa Panginoon pagkat
panaginip lang ang lahat.Lumipas pa ang ilang araw at mas lumala pa ang mga
bagay na makapanindig balahibo. Dahil noong nakaraang gabi nais kong magbawas dahil sa naparami ang
aking kain. Pagpasok ko palang parang may galit na ang ilaw sa akin at ito’y namamatay- matay ngunit di ko na ito pinansin
at nag patuloy sa aking ginagawa at sa kabutihang palad nailabas ko lahat.
Papunta na sana ako sa lababo upang maglinis ng kamay ngunit bigla kong natutop
ang aking bibig at naupo sa sahig dahil sa aking nabasa .Isang mensaheng nag
paropok sa aking damdamin agad akong
lumingon lingon baka sakaling makita ang may kakagawan ngunit, niloloko ko lang
ang aking sarili dahil alam kong ito’y di kayang gawin ng isang ordinaryong tao
gusto ko sanang isipin kong sino ngunit naninindig ang aking balahibo.
Nilakasan ko ang aking damdamin at pumunta sa salamin pagkat nais ko itong
linisin, akala ko’y isang ordinaryo lamang iyon na sulat ngunit tuwing binubura
ko ito laging bumabalik sa dati, nakasusolasok ang amoy ng dugo na syang
ginamit sa pagsulat ng mensaheng “ Mamamatay ka, at ang pamilya mo” nais ko
sanang tumakbo at umiyak ngunit hindi ako nawalan ng pag asa at pinikit ko ang
aking mga mata at nanalangin sa Panginoon, matapos ang ilang minuto, aking
idinilat ang aking mga mata at laking pasasalamat na biglang nawala.
Hindi lang ito ang makapanindig balahibo na
nangyari sa akin. Akoy natutulog noon at dahil sa umiiba ang temperatura ng
aking silid. Ito’y nagiging malamig, inoff ko ang aircon at pabalik na sana ako
sa aking kama ng biglang may isang babaeng mataas ang buhok, duguan ang mukha nanlilisik
ang mga mata at nakaitim ang damit ang sumakal sa akin at hinaharangan ang
aking paghinga parang may sinasabi sya ngunit hindi ko ito maiintindihan, alam
kong malapit na kong mamatay at sa huling pag sira ng aking mata nakita ko ang
malademonyo nyang tawa, Ngunit bigla akong nagising at napahawak sa aking leeg,
hinahabol ang aking paghinga dahil parang totoo lahat, pero ng mahinuha ko na
nanaginip pala ako sa aking panaginip isang malaking hininga ang aking
pinakawalan at kinapa kapa ang dibdib.
Hindi nagtatapos doon ang mga pangyayari dahil mas
lumalala ito. Kung noon hanggang
panaginip at mensahe lang sya ng paparamdam ngayon harap harapan ko na syang
nakikita. Alas dose ng gabi at papa uwi na ako galing sa trabaho, natagalan ako
ngayon dahil kaylangan kong mag overtime para sa mag ina ko. Dali-dali akong
naglakad sa side walk pagkat ako na lamang mag isa, nais ko sanang mag taxi
pero ewan ko ba, ni isang taxi walang dumaan. Tiniis ko nalang at nag patuloy, sa
una naging maganda pa ang aking paglalakad ngunit ng lumaon isang napakalamig
na hangin ang para bang humaharang sa akin, agad akong lumingon lingon ngunit
wala namang tao, kaya pinagtuloy ko ang paglalakad. Noong gabi rin yon ang mga aso ay walang
humpay kong umalolong at para bang ng papahiwatig babala, hindi ko nalang ito
pinansin dahil baka gutom lamang ang mga yon. Mabigat ang aking mga paa
humahakbang patungo sa bahay, parang nagkaroon ako ng kaginhawaan dahil
nakikita ko na ang aming bahay, ngunit bigla akong napa atras nang ang babaeng
nasa aking panaginip ay nakahandusa’y sa kalsada, akala ko ito’y tulog ngunit
bigla nitong inimulat ang kanyang mapupulang mata at diretsong tumayo at may
ibinulong sa aking tenga ”bantayan muna ang pamilya mo dahil uunahin ko ang
iyong asawa at isusunod ang iyong munting prinsesa, dahil maniningil na ako,
Robin, hahahahaha” naninigas ang aking katawan na para bang na estatwa ako,
huli na nang lumingon ako dahil wala na sya, parang bula na naglaho. Kaya naman
bago pa ako mahimatay sa takot na mawawala ang aking mag-ina, tumakbo na ako at
agad tinahak ang aking bahay. Pag pasok ko palang agad kong pinuntahan ang
aking mag ina sa kanilang silid, at agad akong napayapa ng makitang mahimbing
silang natutulog, dagli kong nilapitan sila at iniwan ng halik sa kanilang noo
na simbolo ng aking pagmamahal.Simula noong pangyayari na nakita ko sya, lagi na
akong balisa at parang wala sa mundo. Malapit ng sumabog ang aking utak at
tenga dahil paulit ulit ang kanyang boses sa kaluluwa ko. Sa aking pag iisa may
biglang gumambala, agad kong kinuha ang aking telepono at dahil unregistered
ang numero hindi ko ito sinagot, ngunit muling tumonog ang aking telepono at
dahil nakukulitan na ako ito’y aking sinagot. “Hello sino toh?” agad kong
bungad sa kong sino man tong tumawag,.“Bro kumusta kana, ako to si Dennis yong partner in
crime mo sa High School” sabi ng nasa kabilang linya, agad akong nabigla dahil
mahigit 15 taon na kaming walang komunikasyon, oo kilala ko sya at kilala nya
ako.
“oh kamusta kana bro, hindi kana nagpakita simula
mangyari yon ah” bulaslas nya.
“pamilyado na ako dennis, wag munang eh ungkat
Dennis, tapos na yon” sabi ko naman. “bakit bro di kaba makokonsensya? Matapos
ang ginawa mo, wag ka ngang mag angel angelan dyan ?” anas nya.“Ha? Bakit ganyan ka makapagsalita Dennis ano bang
nagyari” balik na sabi ko sa kanya.“ha! Iba ka talaga Robin matapos mong babuyin at
pagsamantalahan ang ating napakabait na klasmate noon sa damuhan na si Barbara,
mag wawalang kasalan ka” galit nyang sabi sa akin.“bakit mo yan sinasabi dennis?, eh sa gusto ko sya
eh, tsaka masyado syang pakipot dennis, yong lumalaban pero gusto naman pala,
kaya wag kang mag galit galitan Dennis dapat hindi mo nayan inungkat pa , may
mga pamilya na tayo at alam kong may pamilya nadin ngayon si Barbara” sabi ko
naman, na may pangangaral na tono.“ha! dyan ka
nagkakamali Robin dahil patay na ang sinasabi mong may pamilya ngayon
Robin, pinatay nya ang sarili nya Robin dahil nag bunga ang yong ka babuyan at
itinakwil sya ng kanyang magulang, namuhay syang mag isa Robin, at namatay
syang mag isa, ni hindi nga sya na bigyan ng libing dahil walang pamilyang
kumuha sa kanyang mga labi Robin yan ang naging resulta ng ka gagoha----“ hindi
ko na natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla kong nabitawan ang aking
telepono at na tutop ng aking bibig, kusang dumaloy ang mga luha ngayon sa
aking mga mata at parang kay bigat ng aking dinaramdam ,konsenya, pag sisi, ang
syang kumakain sa aking kaluluwa . Nabigla na lang ako ng biglang bumukas ang
pinto kahit walang tao isang napaka lamig na hangin ang bumabalot sa bahay at
sa aking pag kabigla ng makita ko ang nakasulat sa salamin na “ one down” agad
akong kinabahan at biglang tumonog ang aking
telepono. Dali dali ko itong sinagot pagkat may kutob na ako.“Hello, galing po to sa Saint Vincent naaksidente
po ang iyong asawa at ito po ay ng hihingalo na, palagi nya pong sinasambit
yong pangalan mo—“hindi ko na tinapos at agarang pumunta sa nasabing ospital.
Lumuluha ang aking mga mata habang hinahanap ang
aking asawa, ginawa ko ang lahat upang makita sya at nakita ko nga ang aking
asawa na nakahandusay sa isang kama, duguan malamig ang katawan, wasak ang
mukha, lumalabas ang bunbunan at may mga luha ang mga mata. Parang tumigil ang
lahat at napakabagal kong dumating sa kanyang bangkay parang lutang at wala ako
sa sarili, ngunit ng maabot ko ang
kanyang kamay doon ko na naibuhos lahat ng aking pighati, pinilit ko ang mga
doctor na gamotin si Fe ngunit umiling lang sila, wala akong nagawa, unti unti
pinapatay ang aking puso tuwing nakikita ko ang aking walang buhay na asawa,
alam ko na kong sino ang may kakagawan nito, gusto ko sana syang patayin ulit
ngunit may naging kasalan din ako kay Barbara, lalo pa ngayon na nakikita ko sya
sa isang sulok ng ospital na tumatawa na parang nagwagi at may sinasabing “
Anak mo na ang kasunod Robin haha” hindi ko na matiis at nilapitan ko sana sya
ngunit bigla itong nawala. Alam kong isusunod nya ang aking anak at yon ang di
ko hahayaang mang yayari. Daglian akong
lumabas sa ospital at kumaripas papunta sa bahay dahil alam kong nandon na ang
aking anak galing eskwela, wala na akong paki kong ano ang aking itsura dahil
mas importante ang buhay ng aking anak. Kailangan kong unahan si Barbara dahil
ang anak ko nalang ang natitira sa ngayon. Pag pasok ko palang binalot na ako
ng katahimikan at lamig, alam kong nandirito na si Barbara, nilibot ko ang
aking paningin upang mahagilap ang aking anak ngunit wala sya sa sala. Kaya
tumakbo ako sa kanyang silid, naginginig ang aking kamay sa pagpihit ng pinot
pagkat ayaw kong isipin na walang buhay ng aking anak ang aking madadatnan, naunahan
na ako ni Barbara. Nang mabuksan ko ang kwarto tumambad sa akin ang isang batang naka higa sa
kama at sa ulohan nito isang magaspang, puno ng dugong mga kamay ang humahaplos
sa buhok ng aking anak biglang pumatak ang aking mga luha dahil sa takot at
nginig. Biglang nag angat ng tingin sa akin si Barbara at parang sinasabi nyang
hawak ko na ang anak mo Robin at malademonyong ngiti lamang ang makikita sa
kanya, ng walang ano anoy bigla syang tumayo at sasakalin nya na ang aking anak
ngunit nasabi ko pang “Wag! Barbara,maawa ka Barbara wag munang idamay ang anak
ko Barbara ako na lang, ako nalang Barbara” lakas kong hiling sa kanya kasama
ng pagmamakaawa ngunit mas nakita kong mas magagalit sya at sa unang
pagkakataon nagsalita sya sa akin na hindi sa bulong, o panaginip.” Ha! Bakit
Robin? Masakit ba Robin?, hindi ka dapat masaktan dahil wala kang puso Robin,
ginahasa mo ako na parang hindi tao, binabuy mo ako Robin, dahil sayo nawala
lahat ng pangarap ko, dahil sayo tinaboy ako ng magulang ko, hindi nila ako trinatong
anak Robin, dahil sayo kinitil ko ang buhay ko” sumbat ni Barbara sa akin
makikita kong galit na galit at sakit sa kanyang mga mata, lumuhod na ako na
umiiyak din at sinabing “ Patawarin mo ako Barbara, hindi ko alam na pinatay mo
ang yong sarili, patawad sa pag gawa ng kababuyan sa iyo Barbara, kaya ako na
lang Barbara, ako nalang ang patayin mo Barbara, waglang ang anak ko Barbara,
hindi pa ba sapat na pinatay mo na ang asawa ko Barbara, wag na ang anak ko
Barbara, maawa ka,” tanging naging hagolhul ko .“Hindi sapat ang buhay ng asawa mo Robin, kulang pa
iyon, dahil sayo namatay ang anak ko, hindi mo ako pinanindigan, kaya kukunin
ko din ang iyong pinakamamahal na anak Robin” at ng walang ano anoy bigla nyang sinakal sa ere ang aking
anak, bigla nagising ang aking anak at itoy nahihirapan ng huminga, agad ko
sana syang kukunin ngunit may humarang sa akin, hindi ako makalapit sa kanya,
napakasakit bilang ama na makikita mong nasasaktan ang yong anak, dinudurog
nito ang aking damdamin, ang makita ang mga butil na luhang umaagos sa kanyang
mga mata ay nagpapaiyak sa aking puso.
“Ano Robin, masakit ba ha? Ganito kasakit Robin
nong binaboy mo ako at pinagsamantalahan mo ako,,, hahaha sa wakas makakapag
higanti narin ako Robin, hindi kita papatayin dahil gusto kong maranas mo lahat
ng pighati at nang magsisi ka sa tanang buhay mo,, hahaahh”.. sambit ni Barbara.Hindi ko na lubos maintindihan ang sinasabi ni
Barbara dahil pinapatay ako sa aking nakikita, ang aking anak ay walang kalaban
laban, “Pa—pa, tu—lu—ngan,,, mo ako” pilit na sabi ng aking anak , ang kanyang
luhaang mga mata lalong pumapatay sa akin, sadyang lahat ng magagandang alala namin ay inaalala ko kasama ang pag aagos ng
aking mga luha at napakasakit na masasaksihan ko ang pagkawala nya,,, “ maawa ka
Barbara, maawa ka, wag ang anak ko, bata iyan Barbara, maawa ka...” kahit pa
hagulhul nalang ang nangibabaw ay nakikiusap parin ako sa kanya,,,
ngunit sadyang puno na ng paghihiganti ang kanyang
puso “ hindi Robin, papatayin ko na ang anak---“hindi nya ito natapos pagkat
biglang hinaplos ng aking anak ang mukha ni Barbara at kahit di na kaya ng aking
anak na magsalita kanyang pinilit para lang masabi kay Barbara na” s—g-e na—po
pa-ta-wa-rin nyo –na po—si papa” mas lalo akong humahagolhol at yumuko nalang
ako dahil ayaw kong makita ang kanyang pagkawala ngunit nabigla ako ng marinig
kong umiiyak si Barbara at yinakap ang aking anak, umiyak sya ng umiyak at
panay naman ang punas ng aking anak sa kanyang mukha,,
“ Patawad, patawad Rose patawad dahil na puno ng
paghihiganti ang aking puso, hindi ko man lang inisip na maaring makasira na
naman ako ng buhay, patawad Rose,,” biglang pagpaumanhin ni Barbara sa aking
anak, at agad nya itong niyakap.“Robin patawad sa aking panggugulo, patawad at
umabot pa ang lahat dito” sabi nya sa akin.“Ako ang dapat humingi ng tawad Barbara, patawad sa
lahat ng aking ginawa, patawad talaga, sana ang kaluluwa mo’y matahimik na at
wag kang mag aalala, ipapa libing ko na ang mga labi mo at dadalawin kita
palagi sa iyong puntod Barbara,” taos puso kong sabi sa kanya.“Maraming salamat Robin, tatandaan ko ang sinabi mo
kundi mumultohin kita,, haha btw salamat at malalagay na sa tahimik ang aking
kaluluwa salamat” sabi ni Barbara na may ngiti sa mga mata.Mukhang aalis na sya pagkat natatanaw na namin ang
isang liwanag galing sa itaas , sanay maging matahimik ang kanyang kaluluwa
roon.“Paalam Robin, paalam Rose” huling sambit nya“Good bye po ate Barbara mag ingat ka po papunta
don” sabi ng aking anak, at bilang tugon ni Barbara, hinarap nya ang aking anak
at niyakap bago sya tuluyang lumayo sa amin at sumama sa ilaw.Makalipas ang 5 buwan naging mapayapa ang pamumuhay
ng aking anak at sa akin . Tanggap na naming wala na si Fe, dahil sa Car
Accident at ngayon papunta nga kami ng anak ko sa sementeryo upang syay
dalawin.“Papa, ali kana nag hihintay na sila don” sabi ng
anak ko.“bakit dalawa ang dala mong bulaklak Rose ?” tanong
ko sa aking anak.“Basta papa ali kana” tanging sagot ng aking anak,
mabilisan nga kaming pumunta doon, kong noon pag ako’y dumadalaw dito laging
takot ang humahaplos sa akin ngunit ngayon payapa ang laging yumayakap sa akin
dito.
“Pa, wag kanang matulala, sige na ilagay na natin
yong mga flowers” natawa nalamang ako sa aking anak dahil sa kakulitan nito,
kaya naman nilagay na namin ang bulaklak sa puntod ni Fe,
“Papa doon naman tayo sa puntod ni ate Barbara”
agad kong nilingon ang aking anak at tumalima naman ako sa sabi nya. Pinuntahan
nga namin ang bagong puntod ni Barbara at inalayan namin ng bulaklak at habang
inilalagay ko ang bulaklak, labis akong masaya pagkat natupad ko ang pangako sa
kanya, at alam kong nasa matahimik at mabuting lugar na si Barbara......
Josie Rheza
Reyes
Eunerose
Orevillo
Joyce
Balaguer
Jinalyn
Nugal
Diana Ogayon
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento